January 27, 2022

100-anyos na lola na nag-viral matapos umattend ng online reunion, guro pala noon ng artistang si Gloria Romero

Marami ngayon sa atin ang gumagamit ng internet lalo na sa mga kabataan na nag-aaral ngunit naging tulay din ito upang magkita ang dating mga mag-aaral at guro gaya nalang ng tampok sa araw na ito.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang 100-anyos na lola dahil sa kabila ng kaniyang edad ay techie pa rin ito at nakuha pang dumalo sa isang online school reunion.

Ngayon, usap-usapan ulit si Lola Virgie Malay dahil sa 45 taon niyang pagiging guro ay napag-alaman na naging estudyante rin pala niya ang beteranang aktres na si Gloria Romero.

Nang pagtagpuin sila sa programang “Tunay na Buhay,” masayang-masaya nagkumustahan ang dalawa.
“I’m so proud of you. What you have reached as an actress, as a model pa,” sabi ni Lola Virgie sa aktres.

Tuwang-tuwa naman si Tita Glo dahil sa naalala pa siya ng kaniyang guro kahit pa sobrang tagal na nang sila ay magka-usap at magkita.

Si Tita Glo ay malapit ng maging 88-anyos sa Disyembre. Marami ang natutuwa at namamangha dahil sa tinagal-tagal ng panahon ay muli pa pala silang magkikita.