January 27, 2022

Anak ng OFW, inipon ang pinapadalang allowance ng kaniyang ina; Ipon, umabot ng isang drum ng pera

Isa marahil sa mahahalagang bagay na itinuro sa atin ng nagpapatuloy na pandemya ay ang pag-iipon. Hindi papahuli diyan ang nakilala namin na si “Boy Bente.” Walang-wala raw siya noon. Pero ngayon, isang drum na ang naipon niyang 20 pesos na papel.

Sa Facebook post ng isang netizen na si Jane F’mous, ikinuwento nito na labis ang tuwa ni Gemma ng bumugad sa kanya ang mga naipon ng kanyang anak.

Dati pala ay 2 tub na puro barya ang naipon ng kanyang anak. At ngayon naman ay isang tub na purong tig-20 pesos.

Kwento pa, mas malaki pa raw ang naipon ng bata kesa nagastos nito. Sinabi rin ni Gemma na napakabait na anak ni Gerdan.

Ikinamangha ng marami na sa murang isipan ni Gerdan ay namulat na ito sa pagpagpapahalaga sa pera na pipnaghirapan ng kaniyang ina sa ibang bansa.