‘Ate ‘yung bata’: Buntis kinabog ang mga majorette sa Pista

Hindi papakabog ang isang preggy mom mula sa Tanay sa pagsayaw at pag-ikot ng baton nitong pista ng bayan nitong Enero 23, 2022

Sa video na inupload ni Sharmaine Federizo, makikita ang banda na tumutugtog habang todo sayaw naman ang buntis. at pinakita ang galing nito sa paghagis at papa-ikot ng dalawang baton na hawak nito

Makikitang hawak ng buntis ang dalawang baton at ipinaikot ikot ito sa ere, napag alaman rin na dating isang marjorette ang ginang.

Kung kaya’t sanay na sanay itong humawak ng baton at nagpakitang gilas ito sa kanilang lugar sa tuwa ng marami nakapanuod nang araw na iyon ay umani ito ng samu’t saring papuri mula sa mga netizen Humakot ito ng mahigit 6,200 reaction mula sa netizen at 236,000 views sa facebook.