January 27, 2022

Bank Mngr. ng kilalang Bangko, inireklamo dahil sa “Unauthorized Withdrawals” mula sa bank accounts ng mga clients

Isa sa pinakarason ng mga indibidwal kung bakit mas pinili nilang magbukas ng sariling bank accounts ay upang doon nila mailalagay ang kanilang pinaghihirapang iniipong pera umaasang ito’y mas secure at ligtas sa pangangalaga ng mga bangko.

Ngunit ang pag-aakalang bawat sentimo na deposito ay intact at walang bawas ay naging kabaligtaran ang nangyari sa naging karanasan ng mga depositor sa isang kilalang bangko dito sa bansa.

Ibinahagi bilang pagbibigay babala ni Argem Sambillon sa mga kapwa niyang depositor ng Bank of the Philippine Island o BPI ang nakakatraumang ginawa ng mismong Branch Manager sa kanilang mga depositong pera.

“When you think your money is safe sa bank…Think again,”

“Unauthorized withdrawals made by this Senior BM ng BPI Cebu. Anong silbi ng signatures sa withdrawal slips if nagagalaw at na-access ng empleyado niyo mga accounts at nakakapag-withdraw pa,” ito ang nakakatakot na pagsisiwalat ni Argem matapos niyang malaman nakuhanan na pala siya ng pera.

Kahit pa patuloy ang pagpapatibay ng mga bangko sa kanilang mga account security features upang maproteksyonan ang kanilang mga kliyente maging ang kanilang kayamanan kung ang mismong nagtatrabaho sa Bangko naman ang gumagawa ng kababalaghan at silaw sa pera ay baliwala rin ang lahat.

When you think your money is safe sa bank…Think again. Unauthorized withdrawals made by this Senior BM ng BPI Cebu. Anong silbi ng signatures sa withdrawal slips if nagagalaw at na-access ng empleyado niyo mga accounts at nakakapag-withdraw pa.

GALING NG SECURITY NG BPI! PONZI UNDER YOUR NOSE,DI NYO NAHAGIP.FOR BPI ACCOUNT HOLDERS NA NASA SA CEBU..CHECK YOUR PASSBOOKS AND DEMAND FOR INSURANCE PARA SA MGA ACCOUNTS NA GINALAW NYANG SI Joy Angelie Teves-Go .

#BPICebuScam Kahit makulong ka ng 100 daang taon yung damage na ginawa mo samin di mo ma-aayos. Napakaraming pera ang nakuha mo samin na dapat umiikot sa bangko/economy. Karma is not enough. And BPI is hiding this incident sa public.

Nakapag-bail ka na pala. Napakahina ng kaso ni BPI seo.”

#R.A. 8791

#bpi

#cebu

#joyangelietevesgo