January 27, 2022

Bigatin na sanggol na bagong silang, 11.4-pounds ang timbang

Kinagigiliwan ng netizens ang isang bagong silang na sanggol sa Butuan City dahil sa kaniyang laki at bigat na 11.4-pounds o mahigit limang kilo.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Huwebes, ipinakita ang larawan ng midwife na si Floricel Celedeña, habang karga ang sanggol na lalaki.

Isinilang ang sanggol via normal delivery ng kaniyang ina sa Janicolyn’s Holy Angels Birthing Home sa Butuan noong Setyembre 11.

Ayon kay Celedeña, malaki at mabigat ang naturang baby kumpara sa ibang sanggol na iniluwal sa kanilang pasilidad na karaniwang tumitimbang lang ng 7-pound o mahigit tatlong kilo.

Nasa maayos na kalagayan naman daw ang mag-ina.