Delivery Rider, Naiyak na Lamang Nang Manakåwan Siya ng Motorsiklo!

Kanya-kanya ang bawat sa atin kung paano makakaraos sa pang araw-araw. Ang iba ay nagdodoble-kayod sa paghahanapbuhay para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Isa na rito ang delivery rider na si Jason Erick Sta. Catalina. Masipag na delivery rider si Kuya Jason, sa katunayan, kahit umulan man o umaraw ay tuloy pa rin ang kanyang pagde-deliver.

Ngunit, isang araw ay nag-deliver siya ng parcel sa isang customer sa lugar kung saan siya nakadestino, ay nangyari ang hindi inaasahan ni Kuya Jason. Nakalimutan umano niyang kunin ang susi sa kanyang motorsiklo na kanyang ginagamit sa pagtatrabaho. Dahil dito, mabilis na natanggay ng susp3k ang kanyang motor at kasama sa nanåkaw ang cellphone na naiwan din ni Kuya Jason sa kanyang motor.

“Sa mga makakakita po ng MIO M3 na Kulay Blue na may plate number na 1301-01658774 at nakakakilala ng lalaki na tumangay sa motor, pakipagbigay alam lang po sa amin,” ayon sa post ni Nylei Ssej.

“Sa mga nais pong magpaabot ng financial na tulong, ito po gcash nung asawa po 09777920740
para din po matulungan natin si Kuya na makapag simula ulit o mapalitan yung motor kung sakali mang di na mabalik yung motor nya,” dagdag pa niya.

Narito ang kabuuang post: