January 27, 2022

Double Celebration! Isang Babae, Nanganak at Ikinasal sa Loob Lamang ng Isang Araw!

Ilan sa mga espesyal na araw para sa atin ay ang araw ng kasal at ang araw ng pagiging isang magulang sa unang pagkakataon. Isang babae naman ang nag-viral matapos na manganak at ikasal sa loob lamang ng isang araw. Ayon sa ulat, eksaktong 5:55 ng umaga nang isilang niya ang kanilang baby girl habang 10 ng umaga naman ang oras ng kanilang kasal.

Desyembre 4 ang mismong araw ng kasal ni Hiassin Jane Carulasan nang maramdaman niya ang pagput0k ng kanyang panubigan kung saan nanganak siya ng pasado alas-singko ng umaga. Gayunpaman, hindi na rin nila ipinagpaliban ang kasal na gaganapin ng alas-diyes ng umaga dahil niluluto na umano kanilang handa.
Ayon pa sa groom, kung i-popostpone pa ang seremonya ay maaksaya lang ang baboy na kanilang handa sapagkat ito ay iniihaw na.

Dahil dito, naganap ang seremonya ng kanilang kasal sa labas ng Oslob District Hospital kung saan nanganak si bride.
Ibinahagi ni Hiassin sa social media ang ilang larawan ng kanilang kasal kasama ang kanilang baby girl. Ayon sa ulat, first time in history ang nangyari ito.
Narito naman ang kabuuang post ng Kami.com.ph: