January 27, 2022

Estudyante nakapag uwi ng mahigit P20M mula sa Int’l Science completition, at tinalo ang mahigit 11,000 na kalahok sa buong mundo

Hindi aakalain ng isang dalagitang pinay na siya ang mag-uuwi ng Premyo mula sa Int’l Science competition, matapos siya ang ianunsiyo ng patimpalak na siya ang nagwagi nang 1st prize, at mag-uuwi ng mahigit P20M, hindi makapaniwala ang pinay sa kaniyang pagkapanalo dahil sa mahigit na 11,000 na kalahok sa patimpalak, ay siya ang napili.

Ang nasabing estudyante ay tubong Tacloban Leyte na isa rin sa mga nasalanta ng bagyo na kung tawagin Yolanda surivor, makakatandaang hinagupit at pinataob ng bagyo ang lugar ng tacloban at halos marami dito ang nawalan ng hanap buhay, kabahayan maging ang mga buhay ng ilan nating kababayan ay dito rin nagtapos.

Bagaman subukin man ng tadhana ang mga tao sa Tacloban Leyte, ay hindi nag patinak sa hamon ng buhay ang batang pinay na ito at patuloy na lumaban, pagbabahagi niya sa kaniyang tagumpay “We had to run up to our double-deck bed kasi we didn’t have a second floor,”

Dagdag pa nya, “My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on to those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided,”

Kaya naman bukod sa kanyang pagmamahal sa Science ay nagbigay daan ang pagsubok na iyon para lalo syang magsumikap sa buhay at manalo sa isang napakalaking kumpetisyon na nilahukan ng 11,000 participants sa buong mundo. Sa 178 countries na lumahok sa international science competition na Breakthrough Junior Challenge, tinanghal na grand prize winner ang pride ng Leyte na si Hillary.

Gamit ang kanyang project na pinamagatan nyang “Relativity and the Equivalence of Reference Frames”, hinirang na kampeon ang genius student at nagkamit ng napakalaking pampremyo.

Sa entry ni Hillary, ipinaliwanag nya sa malikhain at simpleng paraan ang Theory of Relativity sa tulong ng cellphone at pick-up truck.

Layunin ng patimpalak na parangalan ang mga matatalinong estudyante na kayang ipaliwanag sa layman’s term o simple at mas malinaw na paraan ang mga komplikado at minsan ay mahirap intindihin na bagay sa siyensya.

“If I don’t think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource,” pagpapatuloy nya.

“When I look at my attempts folder, I see myself as someone who’s not afraid of failure and someone who is going into things, entering into things with the intent to grow, not to win,”