January 27, 2022

Habilin ni Mahal: “pag halimbawa mawala ako sa mundo, mayroon pang konting tulong ako sa’yo.”

Inalala ng mga netizen ang huling video vlog ng komedyanteng si Mahal sa kanilang youtube channel na kung saan kasama nito ang kaniyang kaibigang si Mygz Molino, sa kanilang title na “Hanggang sa muli MURA” maraming netizen tuloy ang napapaisip na kung ito ba’y habilin na ni Mahal para sa kaniyang kaibigan.

At sa pagdalaw ng ni Mahal sa kaniyang matalik na kaibigang si Mura ay napaiyak ito sa tuwa dahil matagal na nitong ninanais na muling makita at makasama ang kaniyang katambal mula pa noong taong 2000’s dahil sa kanilang tambalan ay mas lalo silang nakilala bilang “MAHAL AT MURA”.

Sa muli nilang pagkikita ay nagbigay rin ng ilang mga salita na galing kay mahal na talaga namang tumatak sa maraming tagapanuod at napaisip ang marami sa kaniya kasing sinabi “kapag Halimbawa mawala ako sa mundo, mayroon akong kaunting naitulong sa iyo, -Mahal”

Saad tuloy ng maraming netizen dahil sa mga salitang binitawan nito, “hindi kaya’t may nararamdaman na si mahal kung kaya’t ninanais nitong makita si Mura upang mag paalam at magbigay ng tulong sa kaniyang malapit na kaibigan” ito ang tanong maraming netizen sa video vlog ni Mahal.

Gayun paman sa biglang pagpanaw ng komedyanteng si Mahal ay maraming kaibigan at malalapit na kaanak ang nakiramay sa pag-kawala nito.