December 8, 2021

Isang Delivery Rider na Putol ang Isang Paa, Kinaantigan at Hinangaan ng mga Netizens!

Marami sa ating ang nakakaranas ng matinding kahiråpan lalo na sa panahon ngayon na mayroong pand3mya. Ngunit, para kumita ay kinakailangang magpursige at maging madiskarte para kumita ng pera para may pang gastos sa pang araw-araw. Kaya naman mapalad na ang ilan sa atin na mayroong pinagkakakitaan ngayon kahit papaano dahil marami sa ating mga kababayan ang naghihiråp.

Isang larawan naman ang kinaantigan ng marami matapos na ibahagi ng concerned netizen na si Kurt Cajeta nitong Hulyo 2.

Makikita ang isang food delivery rider na abala sa pag-aayos habang may saklay. Ang lalaki ay putol pala ang isang paa. Sa kabila ng kanyang kapansånan, ay matiyaga pa rin itong nagtatrabaho para kumita at may pangtustos sa gastusin sa araw-araw.

Ani ni Kurt Cajeta, tinatamad umano siya na pumasok sa trabaho noong araw na iyon, ngunit nang makita niya ang isang food delivery rider na may kapansanan at masipag na naghahanapbuhay, ay na-motivate ito para magsipag.

“I was feeling lazy to go to work today until I saw this delivery rider earlier arranging deliveries in his box. I know we have different motivations, but really, what is my excuse?”

Talaga naman nakakahanga ang katulad ni Kuya na sa kabila ng kanyang kakulangan, ay masipag at madiskarte pa rin siya sa buhay.