October 27, 2021

Kauna-unahang Igorota na nakapagtapos ng PH Airforce Military Training, inspirasyon sa marami

Naging inspirasyon sa marami ang kauna-unahang Igorota mula sa Sagada, Mountain Province na nakapagtapos ng Philippine Airforce Military Training.

Si P2Lt. Lei Vanette Alangui na isang registered nurse ay isa na ngayong sertipikadong piloto sa elite branch ng Philippine army matapos ang 15 buwan na training.

Ipinagmamalaki rin ni Alangui na isa siyang Igorota mula sa tribo ng Aplai sa Sagada.

Nagtapos ito sa Air Force Academy of the Philippines sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.

Ang mga nagtapos sa naturang akademya at may titulong 2nd Lieutenant (2Lt) sa Philippine Air Force.
Isa na ngayon si PLt. Alangui sa mga piloto ng PAF na nagmula sa Cordillera Administrative Region.

Source/Photo: WowCordillera