Lalaking, nag-ipong ng 50k para makapag patayo ng bahay may aircon pa

Dream come true para sa amang si Henry ang maipatayo ang kaniyang dream house, para sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang dalawang anak

Sa kaniyang pagtitiis at pagta-tiyaga ay nakapag ipon ito ng ₱50,000 upang makabili ng materyales at masimulan na ang pagpapatayo ng kaniyang pinapangarap na bahay.

Bagaman may kamahalan ang mga materyales na ginamit ay pinagkasya nang amang si Henry ang kaniyang budget na ₱50,000 upang maipatayo ang pangarap na bahay.

Gawa sa semente at plywood ang kanilang bahay na binuo lamang ng 25 days, sa kaniyang tantsya Floor area 14×16 feet, 1 Bedroom, living area, terrace at Kitchen

Hindi man ganun kalakihan ang kaniyang naipagawang bahay ay ang importante nagawa niyang maganda at komportable ang naipagawang bahay.

Dagdag pa nito “May gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Nasa sikap at pagpupursige ‘yan para makapagpatayo ng bahay. Maliit man, komportable naman!”