January 27, 2022

LJ Reyes at Paolo Contis, Hiwalay na! LJ: “It was difficult, It was påinful”

Kamakailan lamang nang maging usap-usapan ang pag-unfollow ni Paolo Contis sa aktres na si LJ Reyes at naging aman din ng balita ang hinalang hiwalayan ng dalawa. Matatandaan noon na may mga videos pa si Paolo at ang anak nila ni LJ na masayang nagkukulitan. Sa panayam ni Boy Abunda kay LJ ay inamin nitong hiwalay na sila ni Paolo.

Aniya, “It was difficult, It was påinful” habang pinipigilan ang luha nang tanungin siya ni Tito Boy kung mutual ba ang naging desisyon nilang dalawa sa pagtatapos ng kanilang relasyon.

“Kung hindi malakas ‘yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin,” dagdag ni LJ na talagang emosyonal habang pinag-uusapan ang sinapit ng kanyang relasyon kay Paolo na ama ng anak niyang si Summer.

Binanggit din ni LJ na matagal na umano niyang napapansin na tila malayo na si Paolo sa kanila, “Tito boy, kase matagal ko ng nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapusô Network.

Narito ang 20 seconds na teaser ng panayam ni Boy Abunda kay Lj Reyes: