Lola, Idinisplay sa tagpi-tagping bahay ang tarpaulin ng apo

Maraming netizen ang pumiri at napahanga sa isang larawan na ibinahagi ni Crystalle na kung saan ay nakalagay rito ang kaniyang larawan na nag sasabing “Congratulations Eng. Crystalle Mae M Manalo, ME”.

Dahil nakapag tapos ito sa kinuhang kurso, nuong una ay ayaw ilagay ng kaniyang lola ang tarpaulin ng kaniyang apo sa tagpi-tagpi nilang bahay dahil nahihiya umano ang kaniyang lola dahil pangit raw tignan ang tarpaulin ruon.

Hindi inalintala ng kaniyang apo at sinabi niya sa kaniyang lola na proud siya sa sarili niyang lumaki siya sa isang tagpi-tagping bahay na ito at napagtapos niya ang kaniyang sarili sa ganitong klaseng bahay, dag-dag pa niya ito ang pinakamagandang tagpi na nailagay nila sa kanilang bahay.

Hindi mawari ng kaniyang lola kung ano mararamdaman sa kaniyang apo dahil lumaki itong mabait,masipag at nagsumikap sa buhay hindi niya aakalain na ang kaniyang apo ay isa sa mga pumasa sa Board Exam, kaya sobra-sobra ang kaniyang saya at galak dahil sa narating ng kaniyang apo.

Aniya ng kaniyang lola “Ganito pala ang pakiramdam kapag ang iyong apo ay isa sa mga pumasa ng board exam, naiisip ko iyong mga nangayari sa buhay naming dalawa sa tuwing may mga bayarin sa school ay wala kaming maipambayad, puro paki-usap nalang hanggang sa puro dasal nalang ang nagawa namin para makamit niya itong pangarap niyang maging engineer, Salamat Lord hindi mo pinabayaan ang aking apo.

Facebook Comments