October 27, 2021

Lolang na-stroke na mag-isang nabubuhay, humingi ng tulong sa 7 anak

Naantig ang netizens sa kwento nang isang lola mula sa Dumangas, Iloilo dahil sa kalunos-lunos nitong kalagayan. Hindi na raw kasi ito makagalaw ng maayos dahil minsan na itong na-stroke.

Nitong Hulyo, kinuwento nito sa Zarraga News na mayroon siyang pitong anak at ang isa umano sa mga ito ay sinaktan pa siya noong doon pa nakatira.

Marami ang naantig sa buhay ni lola dahil kahit pito ang anak nito, ay wala siyang nakakasama sa kanyang tinitirhan.

Aabot na sa 16 taon na nakahiga na lamang ang 61-anyos na lolang si Maria Mina Delapina Fernandez. Nakatira ito sa isang maliit na bahay sa Binao-Bao Tabucan Dumangas Iloilo.

Sa isang Facebook live ng Zarraga News Live Station, mangiyak-ngiyak na nagbigay ito ng mensahe sa kaniyang mga anak.

Humingi rin ito ng pasensya sa kanyang mga anak kung may nagawa umano siyang mali sa kanila.

Matapos na kumalat ang live video, bumuhos naman ng tulong at donasyon para kay lola.

Source: Kami.com; Zarraga News