January 27, 2022

Mensahe ni Kiray sa Pumanaw na si Mahal, Umantig sa Puso ng mga Netizen

Maraming mga netizen ang hindi makapaniwala sa tuluyang pamamaalam ng aktres at komedyante na si Noemi Tesorero o mas kilala sa mundo ng Showbiz bilang si Mahal Tesorero. 

Sa edad na 46, kinumpirma ng kanyang kapatid na babae na si Irene Tesorero ang pagpanaw ng actress-comedian sa isang ospital sa Batangas. Sinabi ng kanyang kapatid na si Mahal ay nag positibo raw sa nakamamatay na COVID-19 virus.

Ayon sa ulat ng Pep, sinabi rin nito na mayroon ng pre-existing medical conditions si Mahal gaya ng high blood pressure.

Dahil sa tuluyang pamamaalam ng aktres, maraming mga kasamahan niya sa Showbiz ang nagparating ng kani-kanilang mga pakikiramay at mensahe sa pumanaw na aktres at isa na rito ang sikat na aktres na Kiray Celis.

Matapos ang balitang pumanaw ang aktres, agad nag post si Kiray Celis ng isang mensahe para kay Mahal. Sa kanyang post, sinabi ni Kiray na kahit maikling panahon lang sila nagsama ng aktres, hindi pa rin niya maalis ang kanilang mga pinagsamahan ng pumanaw niyang kapwa aktres. 

“Sa liit na panahon na nakasama kita, ganun naman kalaki ang naibigay mong saya sa puso ko,” mensahe ni Kiray sa namamaalam na aktres.

“Ayoko isipin… Ayokong tanggapin… Ayokong maniwala, Ate Noeme, mahal na mahal kita. Sana hindi totoo ito, please,” dagdag pa ni Kiray na may nakalagay na broken heart emoji sa kanyang post.

Matatandaang nagkasama noon sa isang teleserye ang dalawa na sina Mahal at Kiray Celis na “Owe My Love,” isang romantic comedy series ng GMA-7 na pinagbibidahan din nina Lovi Poe at Jelai Andres.

Sa teleseryeng “Owe My Love,” ginampanan ni Mahal ang role bilang Mini Divi na kung saan maraming mga manonood ang napasaya niya at pati na rin ang mga staffs at mga co-actors at actresses sa teleseryeng ito.

Si Noemi Tesorero a.k.a Mahal ay isinilang sa Virac, Catanduanes. Sumikat siya sa taong 90’s at bumida rin sa marami ng mga TV series at mga pelikula, isa na rito ang latest teleserye niyang “Owe My Love.”

Pinakilala rin niya sa publiko noon ang kanilang relasyon ng kanyang boyfriend noon na si Jimboy Salazar na pumanaw na rin noong taong 2015.

Nagsimula si Mahal ng kanyang sariling YouTube channel nitong July 2020 na kung saan karaniwan niyang pino-post sa kanyang vlogs ang isang modelol at indie actor na si Mygz Molino. 

Maalala nitong August 27 ang kahuli-hulihang vlog ni Mahal na kung saan pinakita niya ang mga behind-the-scenes sa kanyang appearance sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS). Ang mga scenes na ito ay kuha matapos niyang binisita ang kanyang co-comedian na si Mura.

Nag appear din ang pumanaw na aktres sa mismong Youtube channel ng modelo nitong Agosto 29 lang ng taon. 

Source: kami