October 27, 2021

Mga pulis tinulungang manganak ang isang buntis sa loob ng banyo

Laking gulat ng PNP Personnel sa Kauswagan Municipal Police Station sa Lanao del Norte matapos may isang buntis na gumamit ng banyo sa tabi ng police station ang nanganak noong Sabado, Setyembre 11, 2021.

Papunta sana ng Rural Health Unit sa bayan ng Kauswagan ang buntis nang itoy nakaramdam ng pagsakit ng kanyang tiyan habang papunta ng banyo para umihi.

Nang itoy malapit nang manganak ay agad na tinulungan nila PCpl Arturo M. Quitoras at Pat Clare G. Aboc kasama ang ilang nurse on duty sa RHU.

Matagumpay namang naisinilang ang sanggol sa loob ng banyo.

Source: iFM 93.9 Cebu