Plastic na lalagyan ng tubig, ginawang faceshield ng isang taho vendor dahil walang pambni

Para lamang makasunod sa bagong patakaran ng bansa, gumawa ang isang taho vendor ng sarili niyang faceshield gamit lamang ang isang plastic na pinaglalagyan ng tubig.

Upang maikabit ng maayos sa ulo ng matanda ang kaniyang do-it-yourself face shield ay nilagyan niya ito  ng goma sa magkabilang dulo.

Dahil sa ginawang pagsunod sa patakaran ng bansa ng matanda, ay marami ang nabilib dahil sa kabila ng kahirapan nito sa buhay ay nakikiisa ito sa pagsugpo ng virus sa bansa.

Kinilala ng mga netizens ang matanda bilang si Tatay Guanzon. Laking gulat daw nito ng ipaalam sa kaniya na nag-viral ang kaniyang mga larawan na may suot na diy faceshield.

Kwento ng mga nakakita, may nag-alok na ng panibagong faceshield sa matanda upang maging mas komportable ito sa paglalako niya ng taho.

Facebook Comments