January 27, 2022

Proud lolo sa kaniyang apo matapos makatanggap ng unang sahod bilang isang call center agent

Proud na ibinahagi ng isang netizen nasi Lolo Nhoy Tizon sa kaniyang social media ang libreng pakain ng kaniyang apo, matapos itong makatanggap nang unang sahod sa pag tatrabaho bilang isang call center agent.

Saad ni Lolo Nhoy Tizon sa kaniyang caption “Pakain ng apo ko unang sahod sa call center”

Maraming netizen ang nakapukaw ang atensyon nito at hindi maiwasang mag komento patungkol sa ibinahaging larawan ni Lolo Nhoy.

Saad ng ilang mga netizen’s na ibinahagi rin ang kuhang larawan “Ganito rin ako nung unang sahod ko bilang isang call center, kasama ko ang lola ko na siyang nagpalaki sa akin miss ko tuloy ang lola ko nuong nabubuhay pa”

“Sarap sa pakiramdam nang ganito kapag sahod mo eh naililibre mo nang pagkain yung mga kasama mo sa bahay”

“Nung sumahod ako sa trabaho nag celebrate kami ng family ko sarap sa pakiramdam na unang sahod mo at unang trabaho mo eh nakakabili kana gamit ang sarili mong pera na kinita mo sa pagtatarabaho”

“The feeling sobrang sarap sa pakiramdam nyan. Still remember nung unang sahod koo. Good job po sa apo nyo!”