Vietnamese at Pinoy fishermen nagkita sa dagat at nagpalitan ng mga pagkain

Marami ang natuwa at napabilib sa viral video ng isang viatnamese sa kaniyang tiktok account, sa tiktok account ni hahahaa113 makikita ang pagdating ng mga Pilipino fishermen na may mga dalang malalaking mga isda

Habang tinatawag ng isang viatnamese ang mga ito, na tila may sinasabi sa kanila, bagaman hindi magkaintindihan ang mga ito sa mga sariling mga wika

Ay nakakatuwang makita na parehas silang nagkakasundo sa kung anong mga bagay ang meron na maaring ipalit sa kanilang mga dala.

Nagbigayan sila ng mga pagkain kapalit ng ilang mga pirasong mga isa. napag-alaman rin na normal nalamang sa mga mangingisda ang makita ang Viatnamese flag sa malalaking mga barko

Kapag kasi ito ang kanilang nakakasalubong ay kampante ang mga ito at nilalapitan pa nila upang alukin ng isda kapalit ng pagkain na kanilang mga dala.

Bukod paruon ay mababait ang mga ito at makikita pa na sobra-sobra ang kanilang ibinibigay, kumpara sa Chinese Flag, na siyang pinang-iilagan nang mga mangingisda sa dagat dahil ang mga ito umano ang siyang kumukuha lamang nang kanilang dala at hindi pumapayag ng palitan tulad ng pagkain

Kung kaya’t hindi nagiging maganda ang kanilang karanasan sa mga ito kaya’t hangga’t maari ay iniiwasan nila ang mga barko ng china kumpara sa ibang mga barko sa dagat