Watch | Angel Locsin, Hindi Napigilang Maging Emosyonal sa Pagbati sa Kanya ng mga Taong Natulungan Niya: “Isa kang anghel”

Kilala si Angel Locsin sa paiging isang aktres dahil sa angkin nitong galing sa pag-arte. Kilala din siya sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga lubos na nangangailangan ng tulong. Marami na ang nauulat na mga natulungan ng aktres. Kasama na rito ang mga canc3r warriors at may mga nabigyan din siya ng scholarships.

Binigyan naman ng surpresa ni Angelica Panganiban si Angel Locsin para sa kanyang kaarawan. Pinaupo siya sa isang upuan at ipinanood sa kanya ang video ng iba’t ibang tao na natulungan niya.

Hindi naman napigilan ng aktres na maiyak nang marinig niya ang isa sa canc3r patient at nagpasalamat ito sa tulong na ibinigay sa kanya ni Angel. “Happy birthday po Ms. Angel Locsin, thank you po sa lagi mong pagtulong sa amin, mga cancer patients, ng Cancer Warriors Foundation. Isa po talaga kayong anghel. God bless you po!”



“Happy Birthday po! Sana marami pa po kayong matulungan na tao at sa mga nangagailangan.”
 Pagkatapos marinig ang birthday messages para sa kanya, nagbigay din ng mensahe si Angel para sa kanila.

Hindina din napigilan ng aktres na maging emosyonal sa mga naging pahayag ng kanyang mga natulungan. “Hindi ko alam kung paano niyo nakuha ang message na ‘to at nahagilap niyo silang lahat ah.”

“Actually nahihiya ako sa kanila kasi, yung mga scholars natin dun sa Bukidnon, marami sila dati. Pero simula nung nawalan tayo ng franchise, di ko na mabigyan lahat, so ilan na lang sila ngayon. Kaya medyo hindi ako makapakita sa kanila, kasi nahihiya ako, kasi yung commitment ko, hindi ko na maibigay sa kanila.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, kasi parang, feeling ko kulang pa,” dagdag pa ng aktres.

Facebook Comments