Watch! Buntis, Pinakita ang Talento sa Pagme-majorette!

Viral ang isang video na inupload ni Sharmaine Federizo nitong Enero 23 sa kanyang facebook account. Sa kanyang video na may caption na ‘Ate ‘yung bata!’ ay mapapanood kung paano nag-exhibition habang hawak ang dalawang baton ng buntis na ito. Ipinakita niya ang kanyang talento sa pagme-majorette sa nagdaang fiesta o festival sa kanilang lugar sa Tanay, Rizal.

Ang mga miyembro ng San Ildefonso Band 78 ay nagpeperform ng mga oras na iyon hanggang sa magpunta sa gitna ang buntis na ito at nag-solo performance.

Hindi naman napigilan ni Sharmaine na mag-video dahil sa gulat at tuwa na ang isang buntis ay kaya pang mag-exhibition sa pagbabaton.

“Member po ako ng banda. Nagulat din po kami kasi hindi ko inexpect na magso-solo po siya after namin sumayaw,” kuwento ni Sharmaine.

“Bigla po siyang humawak ng baton at pumunta sa gitna para mag-exhibition sa harap namin. Sa sobrang tuwa kasi preggy po siya, napa-video na lang po ako at nagsisigaw na ‘Ate ‘uung bata!’ which is katuwaan lang ‘yung sinabi namin,” dagdag pa nito.

Kuwento pa ni Sharmaine, leader umano ng banda ang buntis na ito. “Siya po nagtuturo samin sa mga majorette. Napadaan po kami sa kanila at sumayaw po sa tapat nila.”

Narito ang kabuuang post: